A Travellerspoint blog

Now Hiring

wanted... analyst

sunny

hiring_2.jpg

Okey. Since paalis na ko, let me help our dear HR pips na humanap ng analyst na papalit sa 'kin na swa-swak sa culture ng team.

Of course, first kailangan may backgound sa medical field or kung hindi naman kahit ano na lang basta tao at sanay mag dial sa phone, may bibig at may tenga ok na yun.

Second, kailangan mabusisi sa pag re-research. Very keen to details ang primary attitude - dapat lang.

Third, can work with minimal or no supervision at all... at dapat sanay mag handle ng pressure especially sa mga project na may immediate deadline.

Yun... Yun ang biggest 3 that you need to look for sa isang applicant - para makapasok sa team na to.
Pero once na makapasok ka sa team na to... may secondary requirements pa... at hindi basta basta. Actually mas mabigat ang kakailanganin dito at bibihira lang ang tumatagal dito kasi maybe they lack either one or all of the following...

Please take note. Bago ka ma duly certified member ng team kailangan meron ka nito:

1. Hindi mahiyain
2. Magulo sa floor
3. Matalas ang tenga sa tsismis
4. Palasabat sa usapan ng may usapan
5. Sanay manglaglag ng dangal at puri
6. Hindi pikon
7. Nakakaubos ng kalahating manok sa isang upuan
8. Bibili sa Mcdo or KFC ng pandagdag sa packed lunch
9. Matalas ang ilong sa pagkain
10. Sanay i-tetris ang pagkain sa bituka
11. Hindi mahiyaing humingi ng extra rice ng walang bayad during outing
12. Hindi sasantuhin ang bagyo at lakas ng alon makasakay lang sa banana boat
13. Sanay kumain ng saging ng dalawang subuan
14. Sanay gawing pulutan ang pasta sa beer
15. Galante paminsan minsan, pero usually kuripot at hindi papadala sa sulsol
16. Pasyalero or pasyalera
17. Matibay ang biyas sa kakalakad sa floor
18. Matibay ang loob sa pag lo-loan, lahat nang pwedeng utangan go!
19. Matibay sa puyatan kahit may mga chikitings na
20. Sanay mag-split!

Haaaayyy... and the list goes on.
Anyway ito lang ang karamihan sa napansin kong attitudes nila/namin that's why nagkakasundo kaming lahat. Again, we only do these just to make the team happy. :)

So... immediate hiring kami. May resume ka na?

Posted by iamian 07:08 Comments (1)

Bahay Kubo, Kahit Munti

a look at my "used to be home"...

sunny

After 3 and a half long years, I decided na bumalik na sa bahay namin sa Bulacan... nakakalungkot pero kailangan e.

I've been living in this place along San Carlos Street sa Paranaque City.
Before, araw-araw akong umuuwi dito. Pero for the past year I guess, bihira na lang.

Overall, ok ang place. For just a small monthly rental fee, I got a bachelor type space with mini kitchen, restroom and living/bedroom.

For those na hindi pa nakaka experience living alone, subukan nyo, mahirap! Joke lang! I mean, try it, you will begin to know more of yourself - who you are and who you are not.

Sobrang dami ng mga bagay na ma mi-miss ko sa place na to. From my landlady to my neighborhood to the serenity of the streets. But then, lahat nga ata ay may ending. Nasa atin na yun if we will see it as a happy or sad ending.

aaa6.jpg
This is where I used to drop my clothes for washing. Ayoko maglaba e. Ok na sa akin mag plantsa. Sobrang bait ng employees dito. They always give me discounts. Thanks to Lavandera Ko.
.
.
.
aaa7.jpg
San Carlos Street - napakatahimik. Dito ko madalas dumadaan palabas ng subdivision. Ma mi miss ko ang mga makukulit na bata dito.
.
.
.
aaa5.jpg
Ito ang kabilang street, kung madaming bata sa kabila, dito mga nag-iinuman.
.
.
.
aaa1.jpg
aaa2.jpg
From the outside.

aaa3.jpg
My living/bedroom.
Sadly, naka pack-up na ang mga things ko. In a few hours, darating na ang service van.
.
.
.
aaa4.jpg
Ang small kitchen and wash area.

Nakakalungkot... until now, I still can't believe na wala na ko dito. But then, sabi nga nya "...all things work together for good". And I can't wait to see things unfolding as it should....

Dito, I learned...

how to see things in a simpler way.
how to live on my own.
how to be responsible.
how to anticipate loss.
that life should not be taken for granted.

I became stronger.

This is my second time to live on my own at kung bibigyan ulit ako ng chance for the third chance, why not?

Posted by iamian 11:15 Comments (2)

Moving

soon...

sunny

sign.jpg

I just signed my appointment letter sa isang international airline today.

Yes, i'll be leaving PeopleSupport a week from now... nakalulungkot.
Dami din palang mababait at makukulit na tao dito.

I guess I already cleared my mind kung ano talaga ang gusto kong line ng job. After working all these years, tinatawag talaga ko ng travel industry.

Hopefully mabilis ang adjustment ko. Dami na namang kailangang i-memorize na city and airport codes.

Excited na ko at the same time nakalulungkot iwanan yung mga buraot kong team mates today.

Ok na siguro sa kin ang 3 years working with APS. Actually, i'll be turning 3 next Friday August 27 which also happens to be my last day. :(

Posted by iamian 12:07 Comments (0)

(Entries 7 - 9 of 17) « Page 1 2 [3] 4 5 6 »