A Travellerspoint blog

Ang Blog Nga Naman

may bago ako...

rain 1 °C

Blog.jpg

Noon...

May mga friends akong nag me maintain ng blogs. Everytime may bago kaming entry, bino-broadcast na namin sa sobrang excited para mabasa.

Usually kailangan mo lang sumigaw ng "may bago ako" then expect mas mabilis pa sa uwian binabasa na nila ang blog mo.

Kahapon...

"Ian" YM ng isang friend ko

"Yup?" Inaantok kong sagot

"Nag-resign na ko..." pa demure na sagot nya

"Huwaat?... ano'ng nangyari?... Saan ka pupunta?" Hindi magkandaugagang tanong ko.

Pero mas nagulat ako sa sagot nya...

"Basahin mo blog ko...may bago ako."

Posted by iamian 18:07 Comments (6)

Through the Years...

sunny 0 °C

Last week, nag post ng picture ang college classmate ko sa Facebook.

Sobrang dami nang nag react when I opened my Yahoomail. I wonder kung anong picture ang naka post. And so I opened my FB...

Kaya naman pala…

MCUa.jpg

College class picture pala namin... Sa sobrang tagal na e halatang may pagka sepia na ang photo.

All of a sudden, nagsulputan ang mga classmates ko na minsan ko lang nakikitaan ng update sa FB or let's say totally nakalimutan ko na.

Life is full of surprises indeed, ang iba is nasa abroad na working totally on different fields. Kagaya ko na hindi na nag practice ng profession namin. Karamihan ay may pamilya na. At ang iba naman is nagsunog ng kilay at pati ata bunbunan e sinunog na, sunugin nyo na ang gusto nyong sunugin, basta proud ako sa inyo... biruin nyo, mga Doctors na kayo! Ganun-ganun lang! Good job! Libre ako ng check-up ha. :)

Well, tama ako. As I said sa subheading ng blog na to... "time slips thru our fingers like grains of sands..."

What is important is to live the best in your life. Everything that happens has its own reasons. Accept the things that we cannot change and move on. We might not know what it is for us now, but I'm sure time will tell. And when that day comes, what seems to be unperfect becomes perfect in due time.

I'm looking forward se reunion namin next year... :)

And for that, let me leave you the second picture...

MCUb.jpg

Nasaan ako?

Posted by iamian 00:31 Comments (4)

This Is It!

sunny

This is my last day...

Tatlong taon na kakakausap sa mga Arabo, Amerikano at Pinoy.
Dalawang accounts na pinagsilbihan ko.
Isang kumpanya na tiniis ko… (kidding!)… inenjoy ko. (honest) :)

Anong meron dito?
Probably an ordinary BPO company sa iba but since galing ako sa ibang BPO, mas nasiyahan ako dito (plugging).

The reasons:
• Hindi business attire
• Pwedeng kumain sa station (sino may sabing pwede??? Mommy Jojie!)
• Approachable ang mga gurads
• May mini-gym (na hindi ko masyadong na enjoy dahil sa kakulangan ng gamit, buti na lang may shower room – ok na din yun)
• Mas masasaya kasama ang mga co-agents. (Sometimes yun na nga lang ang reason para pumasok ako).
• Madalas ubos ang paper towel sa CR (I wonder kung may kumakain)
• Limited and paid leaves a month. Pero kahit unpaid pahirapan pa din sa pag file…. Sige pahirapan na lang pala lahat... wala na kong sinabi.
• May libreng food minsan pag holiday na hindi nila inuulit pero baka nagkakataong fish fillet lang na kulang sa budbod ng Maggi Magic Sarap dahil sa tabang.
• Bawal magpasok ng cellphone sa floor.
• Libreng kape at cup sa vendo na later on e kape na lang at wala ng cup. I wonder kung anong susunod na mawawala...
• Snack vendo na kailangan mong magdasal na sana lumaglag ang binili mong chippy dahil daig pa ang government officials sa pangangain ng pera.
• Madami pa… madami pang room for improvement. (biro lang po) :)

Tyak hahanap hanapin ko ang mga buraot kong team mates na walang ginawa kungdi pumasok, dumaldal at maki chismis sa buhay ng may buhay.

Ma mi-miss ko to…

Ang unang account ko na sobrang saya at love naming lahat...270_Image009.jpg
90_EY.jpg
Taken during our anniversary
.
.
.
Image034.jpg
Rhoda with Nikki na trainer namin
.
.
.
Image011.jpg
Sa mga sups ko na pilit na nag e-encourage sa kin na mag step-up sa higher position. Thanks!
.
.
.
Featuring ang 2nd account ko...
aaa8.jpg
aaa9.jpg
Outing namin sa Puerto Gallera
.
.
.
p4.jpg
Mag-ingat sa gustong magpa transfer sa account na to...
.
.
.
p2.jpg
Pakitandaan lang ang mga muka na to...
If ever mapunta kayo sa kanila, kylangan nyong tibayan ang dibdib nyo.
.
.
.
p5.jpg
Or else... tatalunan nila ang pagkatao nyo.
.
.
.
p1.jpg
Walang sinasanto ang mga agents na to, ultimo malalaking alon hindi sasantuhin makuha lang ang gusto...
.
.
.
izy.jpg
Ultimo puno aakyatin...ganyan sila ka pursigido.
.
.
.
ek1.jpg
Titingnan nyong mala anghel ang muka ng mga to pero kapag mahina ang loob mo, mapapa resign ka sa pambuburaot nila/namin na rin.
Pero all of these naman is just to keep the team happy at hindi boring. :)
.
.
.
08282010_001_.jpg
08282010_004_.jpg
Kahit papano e one big happy family pa rin naman kami. Last lunch with me.
.
.
.
08282010_003_.jpg
Hanggang sa huling sandali lamon kung lamon
.
.
.
p3.jpg
On the other side e mapag pakumbaba pa rin naman sila...
.
.
.
And you know what? Matapos man ang contrata ng client...
Malipat man ng lokasyon...
Mabayaran man ni Lhen lahat ng loans...
.
.
.
rxr.jpg
Prescriber will always be prescriber.... no matter what. :)
.
.
.
08282010_002_.jpg
Thanks guys!

Pano... log out na ko sa Avaya... :)

Posted by iamian 12:13 Comments (5)

(Entries 4 - 6 of 17) « Page 1 [2] 3 4 5 6 »