A Travellerspoint blog

Ang MRT

at ang babaeng modelo...

sunny 40 °C

sadako.jpg

6:30 am

Ang dami na namang tao sa MRT North Station.

Tuwing umaga, ganito ang eksena sa MRT. Mas mellow touch pa nga ang mga pasahero dito compared to LRT. Talagang you can tell the difference kahit naka blind fold ka at pang amoy lang ang paganahin mo.

Isang buwan na kong regular na pasahero ni mamang MRT. Same time. Same place.
At sa isang buwang pagsakay dito, pare-pareho lang ang mga eksena sa loob at labas ng station.

Masaya. Malungkot. Nakakainis… ito ang karaniwang emosyon ng mga pasahero.
Name it… we have it.

Nitong past few days.. ganito ang mga eksenang nadadatnan ko:

Paakyat pa lang sa taas e jam-packed na ang mga tao. Parang muling naganap ang apparition kay Judiel Nieva sa Agoo, La Union. Di mahulugang-karayom.

Mga attire ng pasahero: from construction worker sa Guadalupe (round neck shirt, maong pants na may punit either sa tuhod or sa may singit) to student ng Mapua, CEU, FEU (casual and clean) to executive sa Makati (long-sleeves, blazer, slacks, skirt)

Mga amoy: from pawis na basa - na biglang natuyo, to Downy, to Dell, to Johson’s baby cologne to expensive perfumes from Paris. Now, imagine ang amoy pag pinagsama-sama silang lahat… ay mean, kami.

Usually, iniintay kong makarating ako sa una ng pila sa platform para pagbukas ng pinto madali akong makakaupo. Ayokong makipagtulakan hanggat maari, pero pag tinatawag na ng tadhana e no choice ako.. Since magaling ako sa balyahan e madalas nakakaupo pa rin ako.

Pagbukas ng pinto, common scenario na ang may makaiwan ng kalahating pair of high-heels sa may pintuan ng train. Ang jahe e kung sayo ang naiwang sapatos dahil kailangan mong balikan yun or else papasok ka ng wala ang ka-pair ng stiletto mo.

Sa loob ng train, since madalas akong makaupo, sitting cute ako… Unless may babae na nakatayo in front of me, pinapaupo ko naman… serious, Chard. Haha!

Recently, mukang may kung anong sumasanib sa mga kababaihan ng MRT. Women of all ages.

Dati:

Ako: Miss upo na kayo (sabay tayo at naka-smile. Kulang na lang e mag palakpakan ang mga pasahero dahil feeling ko magiging santo na ko sa kabutihan ng loob ko).

Babae: Thank you. (sabay smile back then sabay tulog).

Ngayon:

Ako: Miss upo na kayo (pa cute at pa pogi pa din)

Miss: (uupo)

Ako: Thank you.

Miss: (parang masama pa ang loob. Sabay matutulog)
After few stations halos mabali ang leeg kaka ping-pong ng ulo sa kaliwat-kanan ng katabi.

Scary.

I mean, I’m not after kung ano ang gustong gawin ng mga girls sa loob ng MRT. It’s their choice.
Mag make-up, matulog, magbihis, kumain… it’s their call.

But please naman… a little “Thank you” means a lot sa mga guys.

Iniisip ko nga baka kaya madalas hindi na pinapaupo nang mga guys ang mga girls ay dahil puro sila take advantage… Parang mas ok na siguro sa mga guys na gumapang ang sumpa ng mga varicose veins sa mga hita ng mga girls.

Minsan naman, maluwag ang train.

Isang babae na parang modelo. Eye-catcher. Long black hair na parang katatapos lang mag pa-rebond ang pumasok.

As she gracefully glide the train’s catwalk to choose her seat.. napapanganga ang mga tao sa ganda ng girl.. parang apparition from heaven…

Habang umaandar ang train hindi napigilan ng mga tao ang sumalyap sa ganda ng babae.

Then…

1st stop…

2nd stop…

3rd stop…

Pag sulyap ko kay binibini… OMG!

Tulog…. At hindi usual na nakapikit…

Nakayuko na halos maabot na nya ang sahig ng train… nakabagsak ang buong buhok nya sa muka nya… ang bag halos malaglag sa sahig!

SADAKO???!!!

Buti na lang at hindi sya pagapang lumabas ng train.

Talagang ang tunay ng kagandahan ay nasa panloob at wala sa panlabas..

Ganito madalas ang pang araw-araw na buhay ng isang day job…

Masaya. Malungkot. Nakakainis.

Name it… We have it.

Posted by iamian 17:18

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

ok ng sa public makakita ng sadako...wag lang sa bahay mo na ikaw lang ang tao. nyahaha

by nyce888

hahaha! panalo tlga tong isang toh ahh, excited aq marating ung dulo ng blog. haha :) LOVE it!, matry nga mag MRT minsan ng rush hour. kaso pagapang nga aq makalabas sa cute qng toh :D

by unicaizy

@ Unicaizy - True... Try mo minsan.. ingat baka maapakan.. haha. San ka na?

@ nyce888 - scary kung sa bahay. At least sa train maraming kasama :)

by iamian

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint